Panaginip
nanaginip ako. nasa isang lugar tayo. maraming tao. may mga bulaklak. may mga kumakanta. nag aantay ako sa harap ng isang taong nakaputi. nag aantay, nag aabang. ang panahon na noon pa may minimithi. heto na, malapit nang makamit. ang dalangin ko’y dininig mo raw. ang pag ibig ko’y iyong tinanggap, pangalan ko’y laging sinasambit. ang tanging nais na makapiling ka, ay parehas lang pala saiyong nadarama. sabi pa nga’y ako’y iyong mamahalin at aalagaan. lalaban sa hirap at magsasama sa ligaya. kasama ang mga taong ating itataguyod ng magkasama. panaginip na ka’y sigla at ka’y saya. panahon na ninanais, hawak at abot kamay ko na. makasama ka mula ngayon hanggang maubos ang bukas, yan lang ang tanging bagay na magiging permanente sa ating pag sasama. pagsapit ng magandang umaga. akoy nagising at bumalikwas. panaginip ay naglaho at nagunaw. agad aking hinagilap kung nariyan ka sa aking tabi. ako’y nalungkot. nang aking nasilayang ako’y nag iisa at unan ay mahigpit na yakap. ako’y nanlumo, nanghina. nasaktan ng aking naalala. may kapiling ka na nga palang iba. sa piling niya, dun ka lamang tanging masaya. sa iyong pag dilat, ang natatangi mong hiling, parehas lamang sa aking panaginip ngunit siya ang nais na kapiling. tadhana nga nama’y talagang mapagkait. sa mga taong katulad kong mangmang at sadyang walang makakamit. pag ibig ko sayo’y wagas at walang hanggan. ngunit hanggang diyan na lamang ang kahahantungan. pag gising sa isang umagang maganda at matamis. agad kong naalala ang panaginip kong walang kasing bangis. damdamin ko’y napuno ng wagas na kaligayahan. dahil sa isang gabing puno ng ligaya. tanging ikaw lamang ang kasama. mata mong walang kasing pungay at sigla. isa sa mga bagay na tumutunaw saking lungkot at pighati. kapag kasama kita’y kaya ko ang lahat. kapag kasama kita, wala na akong hahanapin pang iba. oo nga pala, panaginip lang ang lahat. walang katotohanan, yan ang masaklap. ngunit kung sa panaginip ko’y laging ikaw ang kasama, wag mo na sanang ipagkait na ako’y humiga at matulog, at hindi na muling gumising pa. 3 writer’s note: - masaya, malungkot, mabilis at makirot. isang pangyayari na madalas maengkwentro ng mga taong marunong mag mahal ng lubos. damdamin na hindi lamang ikaw, ako oh kahit sinong indibidwal lamang ang maaring maka dama. isang damdamin na kahit sinong makapangyarihang nilalang, ay yuyuko, iiyak at magluluksa. Kapangyarihan ng salitang walang sino mang nilalang ang kaya mag eksplika. Pag - ibig nga naman. Kalokohan madalas ang dala, pero kapag nakamit ang pag - ibig ng taong sinasamba, walang katumbas na kaligayahan at wagas na seguridad ang madarama.